Distansiya at Puso Ni: Lovely Joy Socias del Rosario
- Oct 13, 2019
- 1 min read

Walang salitang makahihigit, para maipaliwanag ang aking damdamin. Ang puso ko ay naninikip, sa dalang sakit na nagpapasakit.
Sa iyong muling paglayo, lumuluha ang aking puso. Bagama’t, ang pagmamahal sa isa’t isa’y buo, ang iyong distansiya ay palayo nang palayo. Kailan ba kita muling makakapiling? Aking sinta ako’y nananabik, nais kita rito sa akin manatili, dalangin ko na muli sa tabi mo’y humimbing.
Saanman mapadpad, ang pagmamahal ko sa iyo ay buo. Ang puso ko ay mananatiling iyo, nasa dulo ka man ng mundo. Sa muli nating pagkikita, hindi na kita pakakawalan pa. Palagi ko sa iyong ipadarama mahal na mahal kita, aking sinta.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments