top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Battery Angels, may tsansa sa PVL semis

Gerard Arce
Oct 13, 2019
1 min read

Lumaki ang tsansa ng Motolite na makapasok sa semifinals nang payukuin ang BaliPure, 25-16, 25-21, 25-19 kahapon sa pagpapatuloy ng elimination round ng PVL Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtulong ang UP connection na sina Tots Carlos at Isa Molde nang kumamada ng 17 puntos kabilang ang 4 service ace at 12 digs, habang nag-ambag ng 15 points ang huli para sa Motolite, na nakatabla na sa 3rd spot sa BanKo-Perlas sa 9-5 kartada.

Dahil sa panalong ito ng Motolite ay napatalsik na nito ang Choco Mucho, na naglalaro habang isinusulat ito. Biniyayaan ng mabuti ni setter Fen Emnas ang mga hitter’s ng Motolite sa 16 excellent sets nito at dalawa sa 11 service aces ng koponan.

Pinamunuan ni Grazielle Bombita ang atake ng Water Defenders sa 13 points kaantabay ang tatlong service aces at 11 digs, habang nagdagdag ng 9 points at 11 digs si Menchie Tubiera para sa BaliPure na nanatili sa ilalim sa 4-11 kartada kasama ang walang panalong Chef’s Classics (0-15).

Samantala, magtatapat ngayong araw, Linggo, ang mga bigating Creamline Cool Smashers (12-0) at PetroGazz Angels (9-3) sa pagbisita nito sa Bacolod City sa 4:00 p.m. main game.

Muling bubuhayin ng undefeated na Cool Smashers at Angels ang kanilang rivalry sa University of St. La Salle Coliseum na pamumunuan nina SEAG-bound Alyssa Valdez at Jiah Morado, habang pagtitibayin ng Angels ang 2nd spot sa pagtutulungan nina Cherry Rose Nunag, Jovielyn Prado at Rhea Saet.

Magsisikap din ang Perlas Spikers at Pacific Town-Army na makakuha ng puwesto sa semis sa harapan nila sa 1st game sa 2:00 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page