Chief pilot na kinasuhan ng harassment ng 3 stewardess, kapit-tuko sa puwesto, bossing ng airlines,
Mula nang mauso ang selfie at groupie, nahilig na ang mga Pinoy na magbiyahe-biyahe.
‘Yan ay para magamit ang aktibidad sa pagpo-post sa social media!
◘◘◘
NAGSASAWA na ang mga ito na i-post ang kanilang mga aktibidad sa loob ng bahay.
Nakapag-selfie na sila sa lahat ng bahagi ng kanilang bahay at lahat na rin ng klase ng ulam na niluto sa kusina ay nai-post na rin nila!
◘◘◘
NAGSASAWA na rin sila sa mismong content ng kanilang selfie kaya ‘yung mga may datung, biyahe nang biyahe.
Lumalakas tuloy ang aviation industry at maging ang turismo!
◘◘◘
MAY nag-text sa atin tungkol sa isang chief pilot na may nakabimbing kaso.
Siya ngayon ang “bida” sa aviation industry!
◘◘◘
NAGTATAKA ang kapwa niya piloto kung bakit nananatili sa puwesto ang “hepe” kahit retirado na ito?.
Bakit daw kinukunsinti ito sa pagkakapit-tuko sa kanyang puwesto at ayaw pang “bumaba”?
◘◘◘
TIPONG nandidiri sa kanya ang mga kapwa piloto.
Kapalmuks na ang tawag sa kanya!
◘◘◘
TATLONG flight attendants ang nagsumite ng pormal na reklamo sa pangha-harass nito sa kanila.
Ginamit na pruweba laban sa hepe ang mismong mensahe nito sa text at Viber!
◘◘◘
NAGLAKAS ng loob ang tatlong flight attendants na magsampa ng kaso laban sa piloto, pero dinededma lang sila ng may-ari ng airline.
Bakit kaya ito kinukunsinti ng kanilang mga bossing?
◘◘◘
NABABAHALA na ang kanilang mga kasamahan na maaaring makaapekto ito sa integridad ng kanilang airlines.
Aba, sana, aksiyunan ito ng mga kinauukulan bago mahuli ang lahat!





Comments