top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Panelo, huwag magsama ng 'hawi boys' kapag nag-commute

Pabs Hernandez III
Oct 11, 2019
2 min read

PARA HINDI MABATIKOS, DAPAT HUWAG NANG SUMAMA SA MGA BIYAHE NI P-DUTERTE SINA PHILLIP AT CESAR—Ipinagtanggol ni Robin Padilla ang dalawang kaibigan niyang aktor na sina Phillip Salvador at Cesar Montano na binatikos ng publiko sa isyung pagsama sa biyahe ni P-Duterte sa Russia.

Ayon kay Robin, sariling pera raw nina Phillip at Cesar ang ginagastos ng mga ito kapag sumasama sila sa mga biyahe ng pangulo.

Dapat payuhan na lang ni Robin sina Phillip at Cesar na para hindi na sila nababatikos ng publiko at pagdudahan na pera ng bayan ang ginagastos sa pagsama nila sa biyahe ni P-Duterte, tigilan na nila ang kabubuntot sa pangulo kapag lumalabas ito ng bansa, period!

◘◘◘

SANA, WALANG KASAMANG “HAWI BOYS” SI PANELO SA PAGKO-COMMUTE NIYA—Tinanggap ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon sa kanya ng mga militanteng grupo na mag-commute sa kanyang pagpasok sa Malacañang upang ipamukha raw sa mga bumatikos sa gobyerno na walang katotohanan ang sinasabi nilang may transport crisis na sa Metro Manila.

Ganu’n? Baka magsasama si Panelo ng “hawi boys” kaya malakas ang loob niyang tanggapin ang hamong mag-commute sa pagpasok sa opisina, boom!

◘◘◘

TILA BOLADAS LANG ANG SINABI NI DOTr SEC. TUGADE NA NAGKO-COMMUTE SIYA—Umeksena rin si DOTr Sec. Arturo Tugade sa hamon ng mga militante na mag-commute papasok sa trabaho ang mga opisyal ng gobyerno at ayon sa kanya, minsan daw ay nagko-commute lang siya sa pagpasok sa trabaho, pero hindi lang daw niya ito ipinaaalam sa media.

Hay naku, eepal din lang si Sec. Tugade sa isyung ito, eh, ang ipinang-epal pa ay pambobola sa publiko, buwisit!

◘◘◘

PATI ANG MGA PASLIT, NIRARAKET NI “KIROS” SA KANYANG DROP BALLS AT COLOR GAMES SA ANGELES CITY—Mga batang paslit daw ang karamihan sa niraraket ni “Kiros” sa kanyang illegal na aktibidad na drop balls at color games sa bisinidad ng Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga.

Dapat “ipatokhang” na nina Mayor Carmelo Lazatin, Jr. at Col. Narvin Mangune si “Kiros” kasi pati ang barya ng mga bata ay dinudugas nito sa raket niyang may dayang drop balls at color games, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page