P-Digong, ginawaran ng honorary doctorate degree sa moscow, may ‘K’ nang magyabang!
Ginawaran ng honorary doctorate degree si P-Digong ng isang unibersidad sa Moscow.
Puwede na siyang magyabang!
◘◘◘
INABISO na ang pagdating ng Amihan.
Paalam, Habagat!
◘◘◘
INAASAHAN na ang malamig na simoy ng hangin.
Aktuwal nang Pasko!
◘◘◘
TATAAS daw ang singil sa kuryente.
Pukawnamooo!
◘◘◘
TINAMAAN ng dengue ang bunsong anak ni P-Digong.
Ito ay kahit nasaksakan na siya ng Dengvaxia.
Eh, bakit?
◘◘◘
WALANG talab ang Dengvaxia kapag hindi pa nagkaka-dengue ang mga tinuturukan nito.
Isang malaking kabaliwan!
◘◘◘
GINIYERA na ng Turkey ang Kurdish sa loob ng teritoryo ng Syria.
Panibagong giyera ini!
◘◘◘
MARAMI ang naghihintay sa resulta ng protesta ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos kontra kay VP Leni.
Naghihintay sa kawalan!
◘◘◘
SAAN kaya ipupuwesto si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde matapos ang termino nito sa Philippine National Police (PNP)?
Itanong natin kay Ricardo Dalisay!
◘◘◘
PINUTAKTI ng African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Bulacan.
Bilang sagot, nagsagawa ng regular na litsunan ang mga kolokoy!
◘◘◘
HINDI totoong bawal ang mga taga-Africa sa Bulacan.
‘Yung baboy lang na may ASF ang bawal sa Bulacan!
◘◘◘
BINABAYARAN ng P3,000 kada ulo ang baboy na pinapatay at ibinabaon — may sakit at wala.
Marami na ang yumamang “pagador”!
◘◘◘
WALA na tayong balita sa dating tagapagsalita ni P-Digong na si Atty. Harry Roque.
Bakit kaya hindi na siya “nagsasalita”?
◘◘◘
NINAKAWAN ang opisina ng MBC-DZRH kahit nakasarado matapos masunog.
Inside job ‘yan, bantay-salakay!





Comments