top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga lolo at lola na tour guide, street sweeper at traffic enforcer sa Malabon City, aprub!

  • Ryan B. Sison
  • Oct 11, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Break muna sa kaliwa’t kanang problema sa bansa at bigyang-pansin ang good news para good vibes ang lahat.

Tour guide, street sweeper at enforcer — ito ang ilang trabaho na puwedeng pasukin ng mga lolo at lola sa Malabon City.

Maraming natuwa nang mabigyan ng oportunidad ang mga senior citizen na makapagtrabaho kahit may edad na.

Mayo ngayong taon nang magbukas ang museo na layong ipakilala ang kasaysayan at kaalaman tungkol sa lungsod.

Kaugnay nito, ilang retired teachers na ang tour guide sa Malabon Heritage at Library Museum.

Kasalukuyang may 10 retired teachers at principal sa museo na nagsisilbing tour guide kung saan isang beses kada linggo ang duty ng mga ito na nakatatanggap ng P2, 000 allowance.

Samantala, ang pagbibigay ng livelihood para sa mga senior citizen ay bahagi ng proyekto ng pamahalaan ng lungsod na sinimulan sa mga senior patroller.

Ang mga lolo at lola ay puwedeng maging traffic enforcers at street sweepers. Tulad ng mga senior tour guide, P2, 000 rin ang allowance ng senior patrollers kung saan dalawang oras naman ang kanilang duty kada linggo.

Malayo man sa nakasanayang propesyon noon, natutunan na rin nilang mahalin ang trabaho ngayon.

Bawat senior tour guide at patroller ay masayang nakapaglilingkod sa lungsod at ito ay patunay na hindi sila dapat ismolin dahil may kaya pa silang gawin.

Pinatunayan ng hakbang na ito na hindi hadlang ang edad para makapagtrabaho nang marangal.

Kaya hirit ng karamihan, sana, lahat ng lungsod ay may ganitong klase ng tulong sa mga senior citizen na gusto pang maghanapbuhay.

Kung ang mga senior citizen ay may kakayahang magtrabaho, paano pa tayong mga nakababata?

Sana, tumulad tayo sa ating mga lolo at lola na kumakayod at hindi iniinda ang edad.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page