Magandang trabaho, iniwan para mag-stewardess, hindi naman matanggap sa airlines

Dear Roma, Ako si Lani, 25. Sa edad kong ito ay hindi ako kuntento sa career ko. Nakapagtapos ako ng Bachelor’s degree at natapos ko na rin ang short course na kinuha ko. Kumuha ako ng short course sa pagka-flight attendant dahil pakiramdam ko noon ay iyon ang gusto ko kaya nu’ng may chance ako, hindi ko na ito pinalagpas. Isang taon na akong tapos sa short course pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakahahanap ng trabaho na fit sa pinag-aralan ko. Ilang beses na akong tinanggihan ng mga in-apply-an kong airlines at nakakalungkot kasi feeling ko ay hindi ito para sa akin. May stable akong trabaho noon pero tinalikuran ko ‘yun para sa pangarap ko. Roma, anong gagawin ko? — Lani
Lani, Alam mo, sis, maraming dumaranas ng ganyan ‘yung akala nila ay pinagdaramutan sila ng tadhana pero ang totoo, may nakalaan na mas malaki para sa kanila. Huwag kang malungkot kung hindi ka pa natatanggap ngayon dahil malay mo, may magandang kumpanya na tatanggap sa iyo. Gayundin, hindi biro ang pagtalikod sa magandang trabaho para ipagpatuloy ang pangarap kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Kaya mo ‘yan, sis. Good luck!





Comments