Ginahasa, pinaso, ibinenta.. Mga OFWs sa UAE, saklolohan

Humarap sa mga mamamahayag ang mga umuwing overseas Filipino workers (OFW) upang isalaysay ang naranasang kalupitan ng kani-kanilang employer sa United Arab Emirates (UAE).
Hinalay, pinaso, hinataw at ibinenta sa Arabo ang ilang Pilipina sa UAE na kasalukuyang nanunuluyan pa rin doon sa bahay-kalinga ng Embahada ng Pilipinas.
Halos lahat ng mga kababaihang nakauwi sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Embahada ng Pilipinas sa UAE ay pawang biktima ng illegal recruiter habang mahigit pa anila sa 14,000 ang nananatili sa naturang bansa na gusto na ring makauwi.
Iginiit ng mga biktima na kasabwat ng illegal recruiters ang ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport at Ninoy Aquino International (NAIA) na nagsisilbing escort upang makaalis sila patungong UAE gamit ang tourist visa.
Umapela naman ang grupo ng Coalition of License Agencies of Domestic and Service Workers at Overseas Placement Association of the Philippines (CLADS-OPAP) sa pamahalaan na simulan ang pagsisiyasat sa UAE.





Comments