Donasyon para sa feeding program ng Gobyerno, walang tax
Dear Chief Acosta, May kakilala akong balak magbigay ng P1 milyong donasyon para sa National Feeding Program ng ating gobyerno. Nais lamang niyang malaman kung may buwis pa ba siyang dapat bayaran sa gagawin niyang ito? — Annie
Dear Annie, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 10 ng Republic Act No. 11037 o mas kilala bilang “Masustansiyang Pagkain para sa Batang Pilipinong Act,” na:
“Section 10. Tax Exemption. - Any donation or bequest made to the NGAs or any of the aforementioned government agencies including LGUs for the Program shall be exempt from the donor’s tax: Provided, that donations in kind shall be approved by the NGAs concerned upon the recommendation of the NNC, in the case of food products, and the DOH, in the case of vaccine and supplements, as the case may be, respectively.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, walang buwis na ipapataw sa mga donasyon para sa mga programa na National Feeding Program ng gobyerno kaya wala siyang dapat bayaran para rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments