top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vice-mayor sa Masbate, in-ambush sa Maynila, todas

  • Mylene Alfonso
  • Oct 10, 2019
  • 2 min read

Patay ang vice-mayor ng Batuan, Ticao Island sa Masbate habang sugatan ang kanyang pamangkin at aide matapos pagbabarilin ng apat na suspek, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.

Dead-on-arrival sa UST Hospital si Charlie Yuson III, 56, vice-mayor ng Batuan, Masbate sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inoperahan naman sa naturang ospital sina Alberto ‘Pao-Pao’ Yuson, 23, at Alfredo Pineda, 44, equipment agent.

Samantala, naaresto na ang apat na suspek na hindi muna pinangalanan pero, ang isa ay taga-San Fernando, Ticao Island, Masbate at sinasabing nakatira sa isang resort na pag-aari umano ng isang mataas na opisyal.

Ayon kay Charlie Yuson, Jr., kapatid ng biktima at chairman sa Bgy. 482, Zone 43, may limang araw na umano ang kanyang kapatid sa Maynila na tumatayo rin bilang OIC na alkalde sa kanilang lalawigan, para bumili ng backhoe para sa lalawigan.

Gayunman, kinumpirma ni Charlie, Jr. na may mga natatanggap nang death threat ang kanyang kapatid at hinala niya na politika ang motibo sa pagpaslang dito.

Sa imbestigasyon ni PCMS Jonathan Bautista, alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa isang karinderya sa Sampaloc, habang nag-aalmusal ang biktima kasama ang ilan niyang aide at pamangkin na si Pao-Pao.

Naaresto ang mga suspek matapos ang dragnet operation dahil nang maganap ang insidente ay isang barangay chairman ang nakakita at agad nairadyo kay PCol. Robert Domingo ang plaka ng van (ACM 8804) na ginamit at agad na nairadyo sa iba’t ibang istasyon ng pulisya. Inabot ang mga suspek sa Pedro Gil at pinara ng mga tauhan ng Pedro Gil-PCP at SWAT dahilan para maaresto ang apat.

Tiniyak naman ni MPD Director PBGen. Vicente Danao, Jr., na aalamin ng ang lahat ng anggulo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page