PSL: HD at Blaze Spikers, pukpukan na para sa semis
- MC
- Oct 10, 2019
- 2 min read

Ipopormalisa ng Powerhouse Cignal HD Spikers at Petron Blaze Spikers ang kanilang pagpasok sa semifinals habang pakay ng Sta. Lucia na manatiling masigla pa sa eksplosibong triple-header ng Philippine Superliga Invitational Conference ngayon sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.
Malinis at wala pa ring talo sa apat na laro, babanat ang HD Spikers kontra PLDT Home Fibr ng 2 p.m. habang ang Blaze Spikers ay lalaban sa mabagal na Marinerang Pilipina ng 6 p.m. Aaksiyon din ang Lady Realtors, na pakay ang ikatlong panalo at sikaping kunin ang tsansa para sa next round ng torneo bilang warmup ng national squad sa 30th SEAG sa Nobyembre.
Ang Lady Realtors ay nasa pahirapang posisyon. Makaraan ang magkasunod na nakadidismayang conference na may 1-2 win-loss lamang, nagpasya ang Lady Realtors na kunin si assistant coach Edison Orcollo bilang interim coach.
Hawak nila ngayon ang 2-2 card at may magandang tsansa para sa susunod na round. “It’s good that we are now able to match our wins in the previous conferences,” ayon kay Orcollo, patungkol sa kanilang 2-12 finish sa Grand Prix at sa All-Filipino sa unang bahagi ng taon. “But we should not stop here. If we want to achieve more, we have to work harder. “We have to do our best against Foton,” ayon kay Orcollo, dating FEU tar. “Foton is a dangerous team. Even without the Santiago sisters, we will still surely have a tough time so we really have to prepare and not let our guards down.” Lahat ay nakaabang sa frontrunners na Cignal at Petron. Nasa tuktok ng Pool C ang HD Spikers nahawak ang 4-0 na panalo-talong marka habang ang Blaze Spikers ay bumubuntot sa 3-0.
Ang panalo ng parehong teams ang pormal na nagpapasok sa kanila sa semifinals at patatagin ang kanilang momentum sa krusyal na bahagi ng competitive conference. “We have such a high respect for our opponents,” ayon kay Cignal coach Edgar Barroga, kung saan nanggaling ang bataan niya sa 25-14, 25-14, 22-25, 15-18 paggitla sa Lady Skippers noong Martes. “I always tell our players to treat every game as if it is a title match. Our game against Marinera will be very tough. We have to remember that they are a very dangerous team. They are playing with nothing to lose and everything to gain,” ayon kay Delos Santos, na ibabalandra ang stalwarts na sina Rhea Dimaculangan, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Denden Lazaro and Remy Palma.





Comments