Mag-utol na tulak, kulong
- Gina Pleñago
- Oct 10, 2019
- 1 min read

Kalaboso ang magkapatid at isa nilang kasama na pawang hinihinalang tulak ng droga makaraang mahuli ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.
Nakapiit na sa detention cell ng Pasay City Police at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang magkapatid na suspek na sina Daisy Tiposo alyas Sayas/Saya, 49, dalaga at Eduardo Tiposo alyas Buboy, 23, at Arjay Villacorte alyas Jasmin, 28, pawang nakatira sa Bgy. 14, Zone 1, Pasay City.
Base sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt. Deni Mari Pedrozo laban kay alyas Sayas sa kanilang tirahan sa Bgy. 14, Zone 1, sa nasabing lungsod, alas-2:30 ng madaling-araw.
Binentahan umano ni alyas Sayas ng droga ang poseur-buyer sa katauhan ni Cpl. Desiree Sumawang na ikinaaresto ng suspek habang nadatnan naman sa loob ng bahay ang kanyang kapatid na sina Eduardo Tiposo at Villacorte na magkasama habang nasa harapan ang mga drug paraphernalias.
Patuloy na ang isinasagawang imbestigasyon ng SDEU laban sa tatlong suspek.





Comments