top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kasambahay, dapat bigyan ng employment certificate 5 araw mula nang umalis

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Oct 10, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman, dapat bang magbigay ng employment certificate ang amo sa kanyang kasambahay na umalis sa serbisyo? — Julie

Dear Julie, Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 35 ng Republic Act No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act o Batas Kasambahay,” kung saan nakasaad na:

“Sec. 35. Employment Certification. – Upon severance of the employment relationship, the employer shall issue the domestic worker within five (5) days from request a certificate of employment indicating the nature, duration of the service and work performance.”

Samakatwid, dapat magbigay ng Employment Certificate ang amo sa loob ng limang araw kapag nanghingi ang kanyang kasambahay na umalis sa serbisyo. Nakasaad sa Employment Certificate na ibibigay ang katangian, tagal sa serbisyo at pagganap sa trabaho ng kasambahay.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page