top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ni Sen. Tito: Ninja Cops, panahon pa ni ex-P-Noy nauso

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 10, 2019
  • 2 min read

MAS IMPORTANTE SA MGA CONG. ANG “PORK BARREL” KAYSA SA KALUSUGAN NG MGA BATA—Sinabi ni Minority Deputy Leader, Iloilo Representative, ex-DOH Sec. Janet Garin na malaki ang epekto ng pagbawas ng Kongreso ng P16.6 bilyon sa badyet ng Department of Health (DOH) lalo pa ngayong lumalaganap ang tigdas at polio.

Dahil d’yan, makikita na walang pakialam ang mga cong. sa pagla­ganap ng tigdas o polio na mga bata ang karaniwang tinatamaan dahil lumalabas na mas importante ang kanilang “pork barrel”, mga buwisit!

◘◘◘

ISA PANG RETIRED GENERAL, JOIN SA PAGGIBA KAY GEN. ALBAYALDE—Sa Senate probe tungkol sa “Ninja Cops” o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga, nadag­dagan ang mga retired generals na nanlalaglag sa magreretirong PNP chief na si Director General Oscar Albayalde.

Bukod kina Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Benjamin Magalong at PDEA Director Aaron Aquino, join na rin si dating PNP-Region 3 Ret. Gen. Rudy Lacadin sa paggiba kay Gen. Albayalde na nagsabing tinawagan daw siya nito (Gen. Albayalde) noon at sinabing “kaunti lang daw ang naging parte” niya sa gawaing “huli­dap” ng mga ‘Ninja Cops.”

Kung paniniwalaan ni P-Duterte ang mga atake kay Gen. Alba­yalde, masasa­bing “kiss of death” o ibabasura lang ni P-Du­terte ang irerekomenda ng heneral na pumalit sa kanya sa pagka-PNP chief, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SABI NI SEN. SOTTO, PANA­HON PA RAW NI EX-P-NOY NAUSO ANG “NINJA COPS”—Dahil mainit ang isyu ng “Ninja Cops” ngayon, sinabi ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na nauso raw noong panahon ng adminis­trasyon ni ex-P-Noy ang mga “Ninja Cops”.

Para na ring sinabi ni Sen. Sotto na hindi si Gen. Albayalde ang dapat sisihin sa paglaganap ng mga ito kundi ang mga “yellow generals” noong panahon ni ex-P-Noy, boom!

◘◘◘

KAHIT DOBLE NA ANG SUWELDO, SANGKATERBA PA RIN ANG SCALAWAG NA PARAK—Sinabi ni PNP Spokesman at Gen. Bernard Banac na nasa 700 tiwaling pulis daw ang patuloy na mino-monitor ng Pambansang Pulisya.

Ganu’n? Aba, patunay ‘yan na kahit dinoble na ang suweldo ay sangkaterba pa rin ang mga scalawag sa PNP, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page