Espejo at Bagunas, aasahan sa PHL volley team sa SEAG

Sasandal sa mabibigat na kamay nina dating Ateneo star at UAAP Most Valuable Player Marck Espejo at National University best player Bryan Bagunas ang koponan ng 14-man Philippine men’s volleyball team sa darating na 30th Southeast Asian Games simula Nob. 28-Dis. 10 na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium.
Pangungunahan ng heavy-hitters na sina Espejo at Bagunas, ang local-spikers na paniguradong bibitbitin ang opensa ng pambansang koponan.
Ang 22-anyos na 3-time UAAP champion na si Espejo ay napasok sa national team sa unang pagkakataon matapos itong hindi nakapaglaro sa 2017 biennial meet dahil sa academic duties sa Ateneo.
Naglaro rin si Espejo sa Weisse Adler sa V League sa Oita City sa Japan, habang kasalukuyan itong naglalaro sa Cignal HD sa The Spikers’ Turf Season 4 Open Conference.
Makakasama nina Espejo at Bagunas sa national team sina John Vic De Guzman, Mark Alfafara at Joshua Umandal ng PLDT, at heavy hitter Ran Abadilla ng Air Force.
Magmamaniobra sa opensa sina Cignal’s Ish Polvorosa, Air Force’s Jessie Lopez at National University setter Joshua Retamar.
Kukumpleto sa pambansang koponan sina Air Force’s Kim Malabunga at Francis Saura, Cignal’s Rex Intal, habang sina NU’s Ricky Marcos at Navy’s Jack Kalingking ang mga liberos.





Comments