top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

580-km, Manila-to-Pagudpud tinakbo ng astiging si Miras

A. Servinio / MC
Oct 10, 2019
2 min read

Photo: Edgar Miras (FB Photo)

Umabot ng halos 7 araw na tinakbo ng isang magiting na kawal ang habang 580-kilometro mula sa 0-km marker sa Luneta, Manila hanggang sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Hindi inalintana ni TSgt Edgar M. Miras, 44-anyos ang tindi ng init, lamig, lakas ng hangin, nakakapaso, madudulas na sementadong daan at mahihirap na ruta na kanyang tinahak mula Manila hanggang Northern Luzon noong Hunyo 3-9 nang matagumpay niyang matapos sa markang 134 oras, 30 minuto at 39 segundo ang maka­sabog-bagang hagaran kung saan pumang-lima siya sa pinakamahabang Ultra Marathon sa bansa sa kasaysa­yan na inorganisa ng Philippine Association of Ultra­runners (PAU).

Ang 44-anyos na si Miras na nakabase sa Camp Ca­pinpin, Sampaloc, Tanay, Rizal ay may 2 anak na babae, na­ka­pagkolehiyo at nakatalaga ngayon sa NCOIC surgery section (dental tech) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Pambihirang pagtatapos ang nagawa ni Miras at kauna-unahan sa Asya na isang Pinoy ang bumanat sa 580-kilo­metrong takbuhan.

“First of all, the distance itself motivates me to do it. Isang malaking challenge ito para sa akin. Gusto ko kasing magkaroon ng mga kasagutan ang mga ka­tanungang tulad ng: kaya ko ba ito? Makaka-finish kaya ako?” ayon kay Miras.

Nagawa aniya ni Miras na tahakin ang ganoong ka­habang ruta, dahil, “Marami na akong long distance run na tinapos. Nagsimula ako sa ganitong sports 2010. Lahat naman ng sinalihan ko ay natatapos ko. No DNF record. Salamat sa Diyos.”

Bilang dating chain smoker at itinigil na ang panini­garilyo, ngayon ay pagtakbo na lamang ang bisyo, sikreto aniya ng kanyang endurance ay mag-ensayo araw-araw, “Every am, road run (3:00 -7:00) heat run - 10:00 to 2:00 am. Saturday: long run minimum of 70k. Sunday: nagsisimba dahil sa Diyos tayo kumukuha ng lakas.” Noon kasi itinakbo ako sa ospital dahil sa acute pneumonia na muntikan ko nang ikamata, patuloy pang kuwento ni Miras.

Kapag walang bisyo at determinadong maabot ang isang layunin, tiwala lang sa sarili at higit sa lahat sa Diyos.

“Kahit may injury na ako sa race, gusto ko na talagang huminto, mag-DNF na kasi parang di ko na kakayanin pero kapag naiisip kong todo suporta ang aking commander at naghihintay sa finish line, muli akong lumalakas para tapusin ang race.”

Nagkampeon sa hagaran ang foreigner na si Robert Watson sa course record na 129:15:57; 1st runner up si Thomas Combisen (132:41.40) 2nd runner up overall si Bong Dizon (133:12.21) pumang-apat si Laico Tolentino (133:35:42), pang-5 si Miras — 134:30:39 at ika-6 na nakatapos ay si 2018 500-km champion na si Carlito Don Rudas — 134:50:32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page