top of page
Pokwang.jpg

3 tiklo sa P200-k shabu

Janice Baricuatro
Oct 10, 2019
1 min read

Nadakma ng Dasmariñas Police at Drug Enforcement Team ng Cavite PIB-DEU ang tatlo katao sa buy-bust operation, kahapon ng madaling-araw sa Bgy. San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ni Police Col. Francis Allan Reglos, ang mga suspek na sina Mark Laurencio, 29, residente ng Bgy. Langkaan II; Alexander Ramirez, 40, ng Bgy. San Agustin 1, at Enrique Trajano, 38, ng Bgy. Langkaan.

Sa panayam kay Police Major Dennis Villanueva, team leader ng operation, nakatanggap sila ng tip na may magaganap na transaksiyon ng droga sa isang lugar sa Bgy. San Agustin 1.

Alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang buy-bust kung saan isang pulis ang tumayong scorer at sumabay sa gaganaping transaksiyon ng mga suspek.

Pagdating sa lugar ay magkakasama ang tatlong suspek at nagkaabutan na ang mga ito. Halagang P500 na shabu ang iniskor ng nagpanggap na buyer at nang nagpositibo ay dito na pinaligiran ang mga suspek.

Nakuha sa suspek na si Ramirez ang mahigit 20 gramo ng shabu na iniskor nito sa dalawang suspek na pambenta nito sa kanyang mga kliyente habang narekober din sa dalawa ang ilang sachets at drug money.

Aabot sa mahigit sa P200,000 shabu ang nakumpiska sa mga ito at mga drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page