top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tokong, umabanse, McCullough out na sa Siargao Surfing Cup

  • MC
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

Nakaligtas sa pahirapang pagtatapos si local bet John Mark Tokong upang manatiling buhay ang pag-asa para sa titulo kahapon sa 25th Siargao International Surfing Cup sa world-famous Cloud 9 sa Siargao, Surigao del Norte.

Ang 23-anyos na si Tokong, bagamat nahirapan sa torneo ay matapang pa ring hinarap ang mga pagsubok kontra defending champion Skip McCullough sa United States upang makapuwesto sa second place ng Heat 3 na dinumog ng top surfers mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Umiskor si Tokong, tubong General Luna ng 12.75 points habang si McCullough na tinalo si Tokong noong 2018 final ay may 12.10 points para malagay sa third spot.

Nalagay sa top spot si Australian sensation Thomas Cervi sa heat na may 13.25 points.

Ang top two finishers sa bawat heat ay lalarga sa next round. Huling nagwagi si Tokong sa Siargao International noong 2015.

Upang makapanalasa, kailangan niyang talunin ang leading Indonesia surfer na si Oney Anwar sa Round of 16 ngayon.

Ang iba pang umabanse sa next round ay sina Bronson Meydi ng Indonesia, na hahamunin si Elliot Paerata-Reid ng New Zealand; papalag si Noah Beschan ng Hawaii kay Callum Robson ng Australia; haharapin ni Cervi ang paghamon ni Tomas King.

Ang torneo ay sanctioned ng World Surf League, suportado ng pamahalaan ng Surigao del Norte, Philippine Sports Commission ni William ‘Butch’ Ramirez at ng Department of Tourism.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page