Tatay na tulak at anak na runner, arestado

Timbog ang isang mag-ama na sinasabing nagtutulak ng ilegal na droga sa Bgy. San Nicolas 3, Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Quillao, 55, at Jerwin Quillao, 24, kapwa construction workers.
Sa isinumiteng ulat ng Bacoor Police kay Cavite Provincial Director Sr. Supt William Segun, alas-9:50 ng gabi nang ilatag ng grupo ng SDET-Bacoor at PDEA-Cavite ang buy-bust operation laban sa suspek na si Danilo na nasa drug watchlist at kilalang tulak sa kanilang lugar.
Nabatid na itini-train pa ng suspek ang kanyang binatang anak na ginawa nitong runner. Nang magpositibo, rito na dinakma ang mag-ama na nakuhanan ng 1.25 gramo ng shabu na aabot sa P10,000.





Comments