Sekyu nangholdap ng bangko, arestado

Mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang isang security guard matapos mangholdap ng bangko sa Bgy. Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.
Batay sa imbestigasyon, pasado alas-9:00 ng umaga nang tinungo ng suspek na si Romeo Dugan Dimaano, security guard ng Maroon Security Agency ang teller ng Prestige Bank.
Tinutukan umano nito ng baril ang mga nasa loob saka nagdeklara ng holdap bago pinalagay sa kanyang bag ang mga pera.
Agad naalarma ang ilang kawani sa lugar at nakatawag sa pulisya. Sa pagresponde ng mga awtoridad ay mabilis namang naaresto ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon sa suspek at dahilan ng kanyang panghoholdap.





Comments