top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pekeng dentista, pinagma-masturbate ang pasyente, huli sa akto ng pulisya

  • Jun R. Guillermo
  • Oct 9, 2019
  • 2 min read

Nabuking ng biktima ang modus ng pekeng titista, este, dentista nang magsadya ito sa diumano’y peke ring clinic ng huli upang ipa-check-up ang sumasakit niyang ngipin, ngunit, nagulat ang biktima sa karumal-dumal na ipinagagawa sa kanya.

Nagsadya sa Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktima upang ireklamo ang pekeng dentista na itago natin sa alyas Vougly.

Ayon sa biktima, pinaghubad siya ng pantalon ng suspek at nang tanungin niya ito kung bakit kailangang maghubad ng pantalon, ang sagot sa kanya ay may kaugnayan daw ang sakit niya sa gagawing masturbation kung saan ang semen daw nito ay may kaugnayan sa masakit nitong bagang at ngipin. Pwe!

Dahil sa reklamo, nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad sa pangunguna ni P/Captain Francisco Cruz, hepe ng MPD-GAIS ng kanyang crack team na pinangunahan nina PEMS James Poso at PSSG Rhafael Rodriguez, may hawak ng kaso, kung saan naaktuhan ng awtoridad na kinakalantari ng suspek ang maselang bahagi ng bago nitong biktima bukod pa sa dental procedure nito.

Ang masama, nang hanapan nina PSSG Rodriguez at PSSG Dean Mark Regala ng mga papeles o dokumento na nagpapatunay na legit itong dentista tulad ng certification mula sa Philippine Dental Association, lisensiya at iba pa, wala itong maipakita na sinang-ayunan naman ni Dra. Nerisa Ragos, chairman ng Against Illegal Practice of Philippine Dental Association, kaya dinakip nina PSMS Marlon Saitarapan at PCpl. Cyril Azarcon ng MPD-GAIS ang suspek at agad dinala sa MPD Headquarters.

Sa mga kababayan nating may mga problema sa ngipin at pumupunta sa dentista, aba, siguraduhin ninyong legit ang dentista na magtse-check-up sa inyo o gagamot sa problema ninyo sa ngipin at siguraduhin ninyong hindi bakla o bading ang dentista.

Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page