top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pang-emergency.. ‘Pinas, bumili ng P2 billion Presidential Jet

  • Mylene Alfonso
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

Walang nakikitang mali ang Malacañang kaugnay sa pagbili ng Department of National Defense ng P2 bilyong halaga ng command and control jet sa U.S. para kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang senior officials ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, gagamitin ang mga bagong Gulfstream G280 aircraft kapag may crisis situation.Aniya, kilala naman ng publiko na masyadong matipid ang Pangulo.

“Eh, si Presidente pa, ‘di ba, si Presidente napaka-frugal? He doesn’t spend unless necessary,” dagdag pa ni Panelo.

Kaugnay nito, nilinaw ni Panelo na hindi si Pangulong Duterte ang humiling sa DND na bumili ng presidential jet.

Nabatid na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pumirma sa kontrata noong nakaraang taon.

Sa August 2020, inaasahang ide-deliver ng Amerika sa Pilipinas ang mga biniling jet. Sinabi pa ni Panelo na ang pagbili ng jet sa U.S. ay indikasyon na nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Matatandaang, hinarang ng ilang U.S. senators ang pagbili ng armas ng Pilipinas sa Amerika noong 2017 sa pangambang gagamitin lamang ang mga baril sa anti-drug war campaign.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page