ONE: Magkababayang Pacio at Catalan sa Masters of Fate

Magkakalimutan muna pansamantala bilang magkababayan ang litanya ng main event ng ONE: Masters of Fate kung saan itataya ni ONE Straw-weight champion Joshua “The Passion” Pacio ang kanyang korona laban kay Rene “D’ Challenger” Catalan sa Nobyembre 8 sa Mall of Asia Arena.
Sa muling pagbalik sa bayang sinilangan, susubukang ipagtanggol ni Pacio ang korona matapos ang impresibong knockout victory laban kay Yosuke Saruta ng Japan noong Abril nang bawiin nito ang kanyang kasalukuyang titulo na ginaganap din sa Manila.
Mapapasabak ang 23-anyos na si Pacio sa unang pagkakataon na pagdepensa sa titulo laban sa palabang top contender na si Catalan.
Sasandalan ni Pacio ang mga panalo nito noon sa dating kampeon na sina Yoshitaka Naito ng Japan at Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke ng Thailand.
Sa kabilang banda, bitbit ni Catalan ang impresibong six-fight winning streak laban kina Adrian Matheis, Stefer Rahardian at first-round TKO nito kay Naito, na siyang kauna-unahang nakapagpatumba sa Japanese submission specialist.
Ang 40-anyos na si Catalan ay isang dating Southeast Asian Games Wushu medalist at nag-aasam na sumabak sa biennial meet ngayong taon sa Sambo event ay pipiliting makuha ang titulo upang mapasama sa listahan ng mga gold medalist.
Muling babalik sa octagon si dating ONE Lightweight world champion Eduard “The Landslide” Folayang sa pakikipagtuos ay Mongolian prospect na si Amarsanaa “Spear” Tsogookhuu sa co-main event.
Susubukin ni Folayang na makabawi sa masaklap na submission loss kay Eddie Alvarez sa semis ng ONE Lightweight World Grand Prix noong Agosto.
Susundan ni Tsogookhuu ang impresibong ONE Championship debut nang talunin si Thai star Shannon Wiratchai via unanimous decision.





Comments