Mister, tigok sa jeep

Isa ang kumpirmadong nasawi habang tatlo ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang jeepney sa Provincial Rd., Bgy. San Diego, Zone-2, Tayabas City, Quezon.
Alas-7:30 ng gabi, habang binabagtas ng jeep na minamaneho ni Erwin Cabriga, 32, ng Bgy. Silangang Palale, ang naturang daan nang iwasan ang biglang pagtigil ng nasa harapan nitong sasakyan.
Kumabig ito sa gilid ng kalsada hanggang sa matumbok ang papatawid na biktimang si Rodelito Oabel, 55, ng Bgy. Opias.
Tumilapon ang biktima bago tuluyang sumalpok sa poste ng kuryente ang jeep kung saan nasugatan ang dalawang helper nito.
Dali-dali silang dinala sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival ang biktima.





Comments