Mega, bumigay ang katawan… Sharon, nasobrahan sa diet, pinatigil na ni Kiko

Photo: @reallysharoncuneta
Ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang recent post na pinatigil na raw siya ng asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pagda-diet dahil nagkasakit siya.
“I really haven’t been feeling well for days now, since I got back from NY. In fact, the day before taping GGV, which was the day after I arrived back in Manila, I got sick na. I tried to fight off jetlag during my 6 days in the States para naman gising ako while I was with Frankie, so halos wala akong tulog,” ang simula ng post ni Sharon.
Last Sunday on her way to ASAP, talagang masama na raw ang pakiramdam niya at nakatulog nga siya sa car.
“It was the 3rd day of me being back on my very strict diet pa - kasi naman ‘di pa nakaka-recover, nagdiyeta pa na sobrang hirap - so when I arrived home, my nose was so clogged na, I was coughing, and felt the symptoms of the flu coming on.
“Kinontra ko ng gamot but I have to see my doctor na but he isn’t available tomorrow.
“Pinakain na ako ni Kiko at tama na raw muna ang diet,” patuloy ni Megastar.
Last Monday, dapat daw ay may rehearsal sila ni Regine Velasquez para sa Iconic concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum on Oct. 18 & 19, pero hindi rin niya kinaya.
“Baka sa concerts “mute” na ako at walang boses. Redj has been so sweet and encouraging and caring. Am thankful my present concert “partner” is Redj,” ani Shawie.
Sa huli ay hiniling niyang ipagdasal siya para gumaling na.
“Please, please pray for me. Ang hirap. Thanks so much. God is good. Please help me bombard Him with prayers for my healing, health, and energy! Naubos na, eh! Thanks so much. Love you all,” pagtatapos ni Sharon.
Dumagsa naman ang “get well soon” messages mula sa mga netizens at agree sila na tama na muna ang diet.





Comments