top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ilang beses nang sinita, may-ari, dedma.. Paghuhugas at pagpapatuyo ng balat ng chorizo sa tabi ng c

  • Ryan B. Sison
  • Oct 9, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Paborito ng karamihan ang chorizo dahil ito ay tatak-Cebu, pero baka ayawan ninyo ito kapag nalaman ninyong ang casing ng ilan ay galing sa maruming pagawaan sa Mandaue City, Cebu.

Bago dumating sa palengke, pinagpiyestahan na ng sandamakmak na langaw ang mga balat ng chorizo. Ito ang nabisto sa Bgy. Mantuyong sa Mandaue City.

Sa kumalat na video sa internet, tila naglalaba ang lalaki malapit sa creek, pero hinuhugasan pala nito ang mga gagamiting bituka ng baboy.

Manu-mano rin niyang hinihipan ang mga ito para lumobo, isasampay para patuyuin, saka pagpipiyestahan ng sandamakmak na langaw.

Ayon sa Mandaue Health Department, dati nang sinita ang naturang pagawaan.

Gayundin, nagpadala na sila ng sanitary inspector at tinuruan ang mga ito ng tama at malinis na paraan sa paggawa ng balat ng chorizo.

Pinayuhan din umano ang mga ito na gumamit ng net kapag nagpapatuyo ng chorizo casing.

Nangako ang Mandaue Health Department na patuloy nilang babantayan ang pagawaan ng chorizo casing at paalala sa mga gumagawa nito, tiyaking nililinis at pinakukuluang mabuti ang bituka ng baboy bago lagyan ng karne para maging chorizo.

Sa totoo lang, hindi matitigil ito kung pagsasabihan lang ang mga pasaway na may-ari ng pagawaan dahil dapat din silang disiplinahin.

Kapag mananatili ang ganitong gawain, lalong darami ang iba’t ibang uri ng sakit sa bansa at taumbayan ang kawawa.

Gayundin, panawagan sa mga kinauukulan, inspeksiyunin ang mga may food business kung sumusunod ang mga ito sa sanitary practices at kung hindi, bigyan ang mga ito ng parusa o suspensiyon para magtanda.

Sila ang dapat magdusa dahil sa kanilang kapabayaan at hindi ang taumbayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page