Game na game pa naman daw kahit masyonda na ang partner… Piolo, kumanta kung bakit naudlot ang movie

For Piolo Pascual, life begins at 40. Kahit nasa early 40’s na ang pangunahing Kapamilya actor, nakikitaan pa rin ng sigla at kakaibang energy si Papa P.
Kaya’t sa bago niyang fun run in partnership with SunLife dubbed as SunPiology Xone, hihikayatin nitong tumakbo ang mga netizens na gaganapin sa November 23 ,2019.
Sa naging panayam namin kay Piolo, kailangan daw ang paghahanda sa mga tulad nitong fun run event.
“‘Pag marami kang ginagawang trabaho, mahirap. So, what I do, three months before the race, I plan a training program kasi I don’t just bike, I also run. I’m able to train for both sports. I did it for several years and I hope to make it a point to train several months to prepare for it and really spend quality time alone,” sey ni Piolo.
Bilang ambassador ng SunLife, kasama niya si Charo Santos-Concio sa advocacy to encourage more Filipinos to live healthier lives.
Kasama rin ba si Ma’m Charo sa pagtakbong magaganap?
“Hindi naman kami umabot du’n (na hikayatin si Ma’am Charo na tumakbo), (pero) sana... siguro naman tumatakbo rin si Ma’m Charo,” nangingiting sabi ni Papa P.
Kung dati’y kay John Lloyd Cruz close si Ma’am Charo, ngayo’y sila na ang magkasama sa ilang special events and projects.
Natanong tuloy si Papa P. kung ano’ng masasabi niya na kinakikiligan siya ngayon ni Ma’m Charo.
“Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ru’n. Nakakatuwa naman,” ani Piolo.
Paliwanag niya, “I’ve always been close to her ever since naman (and) she’s really one of the people that made it happen to me sa ABS-CBN, one of those that believe in me, whenever I had the chance to talk to her, she always give me good advice,” paliwanag ni Piolo.
May mga napag-usapan daw sila sa bonding nila sa US noong mag-show ang A.S.A.P. sa San Jose, CA, ilang buwan na ang nakararaan.
“Sabi ko, ‘Tita, the reason why I became a producer is because of you.’ At sabi ko, ‘You inspired me. If you have tips to give, I’ll listen.’ Kasi sa mga career moves ko, si Tita Charo talaga ‘yung nangingialam, na nagbibigay talaga ng good advice, which one I would take. Maging ang konsepto niya, ibinibigay niya sa akin.”
Malaki raw ang utang na loob niya kay Ma’am Charo, “Big factor siya kung nasaan man ako ngayon. Sabi ko, from being an actor, na-transcend mo ‘yun, naging producer ka at naging successful ka.”
In fact, may nakalinya na palang plano na Piolo-Charo film.
“Yeah, we’ve been wanting to work together. May gagawin dapat kami, pero hindi nga natuloy, hindi nagkatugma sa schedules. Hopefully, I’m very much open, marami na siyang concept na ibinigay sa akin, pero wala pa kaming concept (together),” paliwanag niya.
“She said that if there’s a concept for us together, gagawa siya sa amin.”
Hindi raw big deal kay Papa P. na ipareha siya sa older leading lady o gumawa ng isang May-December type of film.
“You know, it really doesn’t matter,” aniya.
Kahit mas may-edad si Ma’am Charo at mas mataas ang posisyon, wala raw siyang pakialam.





Comments