Daquis at Hardy ng HD Spikers ayaw paawat ang tikas sa PSL
- MC
- Oct 9, 2019
- 1 min read

Pinalawig pa ng Cignal HD Spikers ang winning streak sa apat nang tapusin sa 25-14, 25-14, 22-25, 25-18 ang laban kontra Marinerang Pilipina sa Philippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Bacoor Strike gym sa Bacoor City. Mainit na sinimulan ni Rachel Anne Daquis ang laro habang wala namang mintis ang mga hataw ni Alohi Robins-Hardy para sa HD Spikers na nasagap ang unang pagkatalo sa conference pero nanatiling imakulada ang marka.
Nakagawa si Daquis ng 11 kills, 4 aces at 5 blocks para sa 17 points habang si Robins-Hardy ay may nagawang 11 excellent sets at 11 puntos, 8 atake, 2 blocks at ace.
Nakatulong si national team stalwart Mylene Paat ng 10 puntos habang sina Janine Navarro at Ranya Musa ay may tig-8 at 7 marka para sa Cignal na isang panalo na lamang ay papasok na sa semis. “I’m happy because my players are very eager to win each game. These victories are the results of our hard training,” ayon kay Cignal coach Edgar Barroga. “Although they played relaxed and failed to follow our defensive pattern in the third set, they still worked their way back into the game.”
Ganado hanggang 3rd set si Seth Rodriguez na tumipa ng 12 puntos habang sina
Floremel Rodriguez at Ivy Remulla ay may nagawang tig-8 puntos para sa Lady Skiippers. Labas na sa kontensiyon ang Marinerang Pilipina dahil wala pa rin silang panalo sa apat na laro.
Laro Bukas: (Malolos Sports and Convention Center) 2 p.m. — Cignal vs PLDT; 4 p.m. — F2 Logistics vs Generika-Ayala; 6 p.m. — Petron vs Marinerang Pilipina.





Comments