top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Back-to-back ngayong Oktubre.. Taas-singil sa tubig at kuryente

  • Madel Moratillo
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

Taliwas sa naunang anunsiyo, may apat na sentimo kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Oktubre.

Sa abiso ng Meralco, aabot sa P0.0448/kWh ang idaragdag nila sa kanilang singilin sa October bill, kaya mula sa dating P9.0414/kWh ay magiging P9.0862/kWh na ang kanilang overall electricity rates.

Paglilinaw naman ng Meralco, bagama’t, may pagtaas sa singil ngayong buwan, mayroon pa ring total downward adjustment ng electricity rates na P1.47/kWh mula noong Abril 2019, dahil na rin sa limang magkakasunod na buwan na nagpatupad sila ng bawas-singil.

Samantala, may pagtaas din sa singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water na papatak sa Oktubre 13. Nasa P0.17 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P0.02 naman sa Maynilad.

Ang dagdag-singil sa tubig ay kaugnay sa foreign currency differential adjustment na epekto ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page