top of page
Pokwang.jpg

Para hindi maloko at sure kang panalo... Mga dapat tandaan sa pag-o-online business

Jersey Sanchez
Oct 8, 2019
3 min read

Damit, accessories at gadgets, ilan lang ang mga ito sa mga ibine­benta online dahil ito ang patok sa karamihan. Ga­yun­man, siguradong me­ron sa inyo ang nagbaba­lak na magtayo ng online shop kaya don’t worry dahil we got you, lodi! Na­rito ang ilang gabay na dapat tandaan sa pag­sisi­mula ng negosyo ga­mit ang internet:

1. PUMILI NG PRO­DUKTO. Siyempre, ito ang pinakaunang hak­bang sa pagtatayo ng bu­si­ness. Puwede kang mag­simula sa mga bagay na na­uuso ngayon, pero kung ayaw mong sumabay sa uso, puwede ka namang magbenta ng unique na items na ikaw lang ang na­kagagawa.

2. HUMANAP NG MAPAGKAKATIWA­LAANG SUPPLIER. Kapag alam mo na ang gusto mong ibenta, it’s time para humanap ng supplier. Napakarami nang supplier, mapa-on­line o physical stores, pero ang dapat mong hanapin ay ang mapagkakatiwa­laan. Kailangan mong ma­ging matiyaga sa paki­ki­pag-usap sa kanila para makahanap ng sulit na deal para sa iyong busi­ness.

3. PAG-ARALAN ANG COMPETITOR AT TARGET MARKET. Sa dami ng online shop nga­yon, siguradong meron kang kakumpitensiya at para pag-aralan sila, mag-re­search sa socmed. Ting­nan kung may kapareho ka ng produkto at sa ga­nitong paraan, magkaka­ideya ka kung paano mag-i-standout ang iyong shop.

Pagkatapos alamin ang iyong competitors, mag-focus sa tar­get mar­ket o mga tao na beben­tahan mo ng iyong pro­dukto. Para makakuha ng specific target market, kilalanin ang madalas na bumibili ng mga produkto ng iyong competitor. Ala­min ang kanilang edad, gen­der, interests para mag­kaideya kung paano ma­kukuha ang kanilang aten­siyon online. Sa ganitong paraan, madali silang ma­ka­re-relate sa iyo at sa mga post mo kaya sure na ma­kakabenta ka.

4. PAYMENT OP­TION. Kasama rin ito sa dapat ikonsidera sa pag­ta­tayo ng online busi­ness. Puwede kang gumawa ng bank account kung saan ide-deposit ng mga kos­tumer ang kanilang ba­yad. Kung hindi keri ng bank transfer, puwedeng magpadala gamit ang mo­ney remittance. Tandaan, maging maingat sa pagba­bahagi ng impormasyon at siguraduhing sure bu­yer ang katransaksiyon mo bago ibigay ang bank de­tails at personal na im­por­masyon.

5. MAAYOS NA DELIVERY SYSTEM. Ito ang kailangan mo para maging maayos ang pag­dating ng items sa iyong mga kostumer. Marami na ring delivery system at mobile app na puwedeng gamitin bilang delivery service. Tip, gawin ang bulk delivery kung saan magse-set ka ng deadline o cut-off kung hanggang kelan puwedeng magba­yad para umabot sa sche­dule ng delivery. Gawin ito para sa maayos na pag­kolekta ng payments at pagde-deliver ng items.

6. HANAPIN ANG TAMANG PLATFORM PARA MAGBENTA. Puwedeng-puwede mong gamitin ang socmed tulad ng Facebook at Insta­gram, beshy. Balikan ang iyong research at kung nasaan ang karamihan sa target market mo, ru’n ka magsimula.

7. CATCHY NAME NG SHOP. Dapat “witty” o bagay ang pangalan ng iyong shop sa mga ibe­benta mong produkto. Kung hindi mo kering mag-isip ng magandang pangalan, puwede kang humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan at pamilya. Okie?

8. QUALITY PHO­TOS. Dahil online ang la­banan, kailangan ay “Ins­tagrammable” o share-worthy ang photos na ga­gamitin mo. Bakit? Hindi makikita nang personal ang items kaya mabuting magaganda ang photos nang sa gayun ay mahika­yat ang mga kostumer. Si­guraduhin ding kung ano ang ipino-post ay ga­nun­din ka-presentable sa per­sonal para hindi ka ma­pagbintangang scammer.

9. MANGHINGI NG FEEDBACK. Napaka­ha­laga nito dahil maraming naeengganyo na bumili ka­pag nakikita nila ang magagandang feedback ng mga nakasubok sa pro­dukto. Sa ganitong pa­ra­an, matutulungan mo rin ang potential buyers na gus­tong makasigu­rado sa kalidad ng ibinebenta mo.

Hindi madaling mag­simula ng kahit anong uri ng negosyo pero dahil sa sipag, paglalaan ng oras at pasensiya, siguradong magbubunga ang lahat ng ito. Huwag matakot kaya go lang nang go, mga beshie! Sana, maka­tu­long ang mga ito sa pag­si­si­mula ng inyong on­­line bu­siness. Good luck, ka-Bulgar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page