top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Digong, buo pa rin ang tiwala kay Albayalde

Pabs Hernandez III
Oct 8, 2019
2 min read

ATAKE NINA MAYOR MAGALONG AT DIRECTOR AQUINO KAY GEN. ALBAYALDE, TABLADO KAY P-DUTERTE—Sa pagdating sa bansa ni P-Duterte mula Russia, tinanong siya ng mga mamamahayag kung may tiwala pa rin siya kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na isinasangkot nina Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Benjamin Magalong at PDEA Director Aaron Aquino sa ilegal na droga at ang tugon ng pangulo ay kung wala na raw siyang tiwala sa kanyang PNP chief, dapat sinibak na niya ito kaya ibig sabihin, buo pa rin ang tiwala niya kay Gen. Albayalde.

At dahil walang nangyaring sibakan, ibig sabihin, sa naganap na “games of the generals” sa Senado, ang winner ay si Gen. Albayalde at ang talo ay ang mga naghahangad na masibak siya sa pagka-PNP chief na sina Mayor Magalong at Director Aquino, boom!

◘◘◘

KUNG ‘SERVICE REPUTATION’ ANG PAG-UUSAPAN, LAMANG SI NCRPO CHIEF GEN. ELEAZAR—Pinayuhan ni ex-PNP Chief at Sen. Panfilo “Ping” Lacson si P-Duterte na suriin daw nitong mabuti ang “service reputation” ng susunod na PNP chief.

Tila nakalalamang na rito si NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar kasi kung “service reputation” ang pag-uusapan ay nakita naman ng publiko sa mainstream media at social media na dedicated ito sa trabaho, mahigpit, kontra scalawag at walang sinasanto sa pagpapairal ng batas, period!

◘◘◘

‘UTAK’ SA P30 BILYON “PORK BARREL”, ANG TAAS NG APPROVAL RATING?—Sa latest survey na inilabas ng Pulse Asia, nakakuha ng 64% approval rating si Speaker Alan Peter Cayetano.

Para namang kalokohan ang survey na ‘yan kasi ibinulgar na ni Sen. Lacson na si Speaker Cayetano ang “utak” sa umano’y pagsingit ng P30 billion pork barrel sa 2020 National Budget na pagpaparte-partehan ng mga kongresista, tapos ang taas pa ng nakuha niyang rating, buwisit!

◘◘◘

NAGPAPA-STL BOOKIES AT NAGPAPA-VIDEO KARERA SA CALAMBA CITY, “TOKHANGIN”—Namamayagpag daw nang todo ang raket na STL bookies ni “Tita” at video karera ni “Rico” sa Calamba City.

Paging Mayor Justin Chipeco at Col. Jacinto Malinao, “pakitokhang” nga ang dalawang manraraket na ito sa inyong nasasakupan, plis lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page