top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Natakot sa checkpoint, motor pinaharurot.. 2 tanod sumalpok sa pick-up, utas

Jeff Tumbado
Oct 8, 2019
1 min read

Dedbol ang dalawang barangay tanod matapos sumalpok sa pick-up ang sinasakyan nilang motorsiklo sa pick-up sa Bgy. Bugo, Cagayan de Oro City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Saturnino Taburnal, 60, at Benjamin Lumani, 62, kapwa tanod sa Bgy. Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang dalawa at maaaring nabahala na masita sa checkpoint lalo’t wala silang suot na helmet. Sa pagmamadali ay nagpagewang-gewang ang motorsiklo kaya bumangga sa kasalubong na pick-up.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi ng Toyota Hi-Lux na minamaneho ni Arl Saluaga Rellido, 46, ng Sta. Ana, Tagoloan sa Misamis Oriental.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page