Multang P5K to P15K, impound at kanselasyon ng certificate sa mga dyip, bus at UV na walang signboar
Dear Chief Acosta, Ano ba ang kaukulang parusa kapag ang pampublikong dyip, bus o UV Express ay walang signboard? — Jesser
Dear Jesser, Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV, (18) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa sa mga pampublikong dyip, bus o UV Express na walang kaukulang sign- board:
“IV. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE TYPE OF VIOLATION 18. No signboard* (PUJ, PUB, UV)
1st offense - fine of P5,000
2nd offense - fine of P10,000 and impounding of unit for thirty (30) days
3rd and subsequent offenses - fine of P15,000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC) where the unit is authorized
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments