top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mr. Solon na Andres de- saya, hindi makapalag sa matapang na GF, gumawa ng batas para maprotektahan

  • Pasaway Spotted
  • Oct 8, 2019
  • 1 min read

Ms. Dee / Pasaway Spotted

‘Ika nga nila kapag mahal mo, kaya mong tagalan kahit ano pa ang ugali o kapangitan ng pagkatao niya. Kahit ba sabihing, “There are so many fishes in the ocean,” kung tinamaan ka ni Kupido, ang magiging motto mo na ay “love is blind.”

Pero, magtataka ka rin sa isang mambabatas na maituturing namang “single”, pero ang daming hugot sa sarili.

Nasagap ng ating pasaway na spotter na ito palang si Mr. Solon ay merong karelasyon na matapang na babae. Mala-amasona umano ang dating ni madam!

Tiklop umano si Mr. Solon sa partner niya na isa ring lokal na opisyal na may kamag-anak na nasa gobyerno.

Nang minsan uma­nong nakipag-inuman si Mr. Solon sa kanyang katropa ay narinig siyang sinabi na kung hindi lang niya talaga mahal ang karelasyon ay sumuko na siya. Kasabay nito ang sundot na bina­balak niyang magsulong ng panukalang-batas para mabawasan ang pangil ng mga matatapang na babaeng karelasyon!

Susme, your honor, baka puwedeng huwag mong idamay lahat sa iyong pinagdaraanan? Maraming magagalit na babae sa iyo niyan!

Sabi nga ng peliku­lang Frozen, let it go!

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page