top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Kontra-pasaway.. Random check sa mga foreign workers

  • Jeff Tumbado
  • Oct 8, 2019
  • 1 min read

Inirerekomenda ng isang kongresista ang pagbuo ng special unit ng pulisya na tututok sa paghabol at paghuli sa mga dayuhang nasa Pilipinas na maaaring lumalabag sa mga batas-paggawa ng bansa.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, mahalagang mapagtuunan na rin ngayon ang random check o paninita sa foreign workers sa bansa na posibleng overstaying o nagtatrabaho nang walang kaukulang permit.

Sa ganitong paraan ay magiging deterrent o katatakutan umano ng mga dayuhan na lumabag ng mga batas sa Pilipinas tulad din ng pinagdaraanan ng mga Pilipino kapag nasa abroad.

Sinabi ni Yap na kahit anong oras at kahit saan naroon ay puwedeng sitahin ang mga dayuhan sa bansa kung may hawak silang mga dokumento bilang bahagi na rin ng pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at kaayusan.

Gayunman, nilinaw ng kongresista na walang dapat ipangamba ang mga foreign worker kung mayroon silang pasaporte at kaukulang permit o dokumento.

Ipinatitiyak din ni Yap na may safety nets at naaangkop na polisiya upang maiwasang maabuso o magamit sa extortion ang kampanyang ito ng pamahalaan.

Naniniwala rin ang mambabatas na ang nasabing hakbang ay makapagpapalakas din sa kampanya laban sa mga ilegal na manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page