top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kasama ang anak.. Pulis, binaril sa ulo, tigok

Gina Pleñago
Oct 8, 2019
1 min read

Patay ang isang dating pulis nang barilin sa ulo ng dalawang suspek habang kumakain kasama ang anak sa karinderya sa Pasay City.

Dead-on-the-spot si Joselito Lopez, 46, dating nakalatalaga sa Station Intelligence Unit ng Pasay City Police, na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Ginagamot naman ang ginang na si Arlene Israel, 31, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita.

Sa ulat ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, naganap ang pamamaril alas-10:55 ng gabi habang kumakain si Lopez kasama ang kanyang 21-anyos na anak sa Cusi-Nah Restaurant sa Bgy. 95, Zone 11.

Nilapitan umano ng dalawang hindi kilalang lalaki at sabay na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa dating trabaho ni Lopez ang pagpaslang dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page