top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Expose nina Magalong at PDEA Chief Aquino vs. Albayalde, late na, hidden agenda, nangangamoy

  • Ka Ambo
  • Oct 8, 2019
  • 2 min read

Usap-usapan ngayon kung sino ang papalit sa magreretirong si PNP Chief Oscar Albayalde.

Ito mismo ang motibo ng “exposé” sa Senado!

◘◘◘

SA totoo lang, lumang isyu na ang sinasabing nakumpiskang shabu sa Mexico, Pampanga.

Pero, bigla itong pinalutang at binuhay!

◘◘◘

KUNG seryoso sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at PDEA Chief Aaron Aquino, dapat sa simula pa lamang ng Duterte administration, ibinunyag na agad ang kanilang nalalaman.

Bakit ngayon lang, ano ang hidden agenda?

◘◘◘

ISA ring tanong, bakit noong humarap si Gen. Albayalde sa Commission on Appointments, hindi nila rito inilabas ang kanilang ebidensiya o ang kanilang opinyon?

Ang CA ang angkop na forum sa isyu ng “Ninja Cops” laban kay Gen. Albayalde.

Bakit hindi sila nag­boluntaryo rito kung seryoso sila na labanan ang sinasabi nilang “Ninja Cops”?

◘◘◘

MAY ulat na ang hidden agenda ng exposé sa Senado ay upang maim­pluwensiyahan ang desis­yon ni P-Digong sa pipi­liin niyang susunod na PNP chief.

Pakana ng mga kolo­koy na maetsapuwera sa “nominee” ang sinumang ieendorso ni Gen. Alba­yalde.

Alam ng “Davao Group” na hindi sila ang nagrekomenda kay Gen. Albayalde.

At gusto ng “Davao Group” na makorner nila ang “rekomendasyon” sa susunod na PNP chief!

◘◘◘

OBVIOUS na perfect tandem sina Gen. Alba­yalde at NCRPO Chief Gen. Guillermo Eleazar sa giyera kontra ilegal na droga at internal cleansing sa PNP.

Maraming nasagasa­an ang “Batman and Ro­bin” tandem nina Gen. Alba­yalde at Gen. Eleazar!

◘◘◘

ANG tandem ng dala­wa ay nagresulta sa maba­bang crime rate sa buong Pilipinas, partikular sa Metro Manila na bumaba nang 60 porsiyento.

Ibig sabihin, nabawa­san nang malaki ang bilang ng krimen sa Metro Manila.

Gumanda rin ang reputasyon ng mga pulis dahil disiplinado ang mga ito sa panahon ni Gen. Eleazar!

◘◘◘

NANG igawad ng Civil Service Commission ang katangi-tanging performance, napasaka­may ni Gen. Eleazar ang pagkilala.

Kinilala rin ang NCRPO sa unang pag­kakataon bilang best regional office ng PNP!

◘◘◘

ALAM ng mga kriti­ko ni Gen. Albayalde na si Gen. Eleazar ang mai­re­rekomendang susunod na PNP chief dahil sa kanyang mahusay na performance.

Ang performance sa PNP ay nasusukat sa pagbaba ng bilang ng krimen at no.1 si Gen. Eleazar.

Kahit sino ang PNP chief, walang duda na irerekomenda si Gen. Eleazar, pero ang prob­lema, kung makorner ng Davao Group ang nominasyon!

◘◘◘

BATAY sa pakana, sakaling irekomenda umano ni Gen. Albayalde si Gen. Eleazar, maitu­turing daw itong “kiss of death”.

Mababaw na pagtaya ‘yan, hindi ganyan kabopol si P-Digong.

Insulto sa pangulo ang ganyang propaganda!

◘◘◘

ANG rekomendasyon ng outgoing PNP chief sa ipa­palit sa kanya ay “SOP” o “protocol” o pormalidad lamang.

Ang no.1 batayan dito ay aktuwal na performance at reputasyon.

Hindi pa man nauupo ang susunod na PNP chief, nabibiktima na agad siya ng dilawan na pusakal na kalaban ni P-Digong!

◘◘◘

KUNG may relas­yon si Gen. Albayalde kay Gen. Eleazar, ‘yan ay bahagi ng kanilang propesyon.

Iisa ang malinaw, epektibo ang diskar­te ni Gen. Eleazar sa NCRPO at ‘yan ang dahilan sakaling irekomenda siya ni Gen. Albayalde bi­lang susunod na PNP chief!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page