3 Bgy. Hall sa Maynila, sapul sa clearing operations; mga opisyal, tiis-tiis lang
- Isko Moreno
- Oct 8, 2019
- 1 min read

Tuluy-tuloy ang clearing operations sa Lungsod ng Maynila kahit lagpas na ito sa taning na itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG). Tayo sa Maynila ang nag-umpisa nito at itutuluy-tuloy natin ito hanggang sa malinis natin ang buong Maynila.
Noong isang araw, tatlong barangay hall ang ating ipinagiba. Bagama’t, masakit ito sa ating kalooban dahil wala talagang opisina ang ilan sa mga barangay officials ay kailangan nating gawin ito upang maging maayos ang daloy ng trapiko at malinis ang mga lansangan sa anumang obstructions.
May halos sampung libong barangay officials ng lungsod at marami rito ang walang sariling opisina kaya kani-kanyang diskarte na lang ngunit, hindi natin maiwawasto ang mali sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali.
◘◘◘
Kamakailan, walong tindahan at puwesto sa Delpan ang ipinasara natin sa Bureau of Permits sa tulong ng MTPB dahil sa kawalan ng kaukulang business permit bukod pa sa maling puwesto at pagiging obstruction. Ilan dito ay mga hindi awtorisadong parking lots, vulcanizing shop, electrical at junk shop.
Hindi natin ipinagbabawal ang pagtitinda o paghahanapbuhay, pero may mga alituntunin tayong dapat sundin. Mayroon tayong gobyerno at kinakailangan nating sumunod sa mga patakaran ng lokal na pamahalaan.





Comments