Tiniyak sa Kongreso.. Pondo sa Universal Health Care, safe
- Mylene Alfonso
- Oct 7, 2019
- 1 min read

Pinawi ang agam-agam ng ilang senador sa pagtatatag ng mga Malasakit Center sa buong bansa.
Unang sinagot ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang tanong ni Sen. Franklin Drillon kung maaapektuhan ba ng Malasakit Bill ang pagbibigay ng tulong ng tanggapan niya sa mahihirap.
Ayon kay Go, walang maaapektuhan at walang pipiliing tulungan, basta Pilipino at nangangailang ay aayudahan agad.
Sa tanong naman ni Sen. Risa Hontiveros, kung maaapektuhan ng Malasakit Center ang pondo ng PCSO para sa Universal Health Care, sinabi ng dating Special Assistant to the President na hindi ito magagalaw dahil may sariling pondo ang PCSO para sa charity program.“Hindi po kukunin ang pondo ng PCSO para sa Universal Health Care dahil iba ‘yung kontribusyon ng PCSO para sa charity programs tulad ng sa Malasakit.”





Comments