Sumalpok sa AUV.. 3 magkakaangkas sa motor, todas

Tatlong magkakaangkas sa motorsiklo ang patay matapos silang sumalpok sa AUV sa bayan ng Talisay sa Camarinas Norte.
Pawang dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital ang tatlo na nagtamo ng matinding head injuries.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Talisay City Police, nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa bahagi ng Maharlika Highway, alas-2:00 ng madaling-araw, kahapon.
Sinasabing pauwi na ang tatlong magkakaibigan sa bayan ng Labo, habang patungo naman sa Daet ang AUV upang mag-deliver ng gulay nang mangyari ang insidente.
Matulin umano ang takbo ng motorsiklo nang sumalubong ito sa AUV na nasa kabilang linya at sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga angkas at nawasak naman ang motor, gayundin ang harapan ng AUV.
Batay sa report ng pulisya, pawang walang suot na helmet ang tatlo at nasa impluwensiya ng alak.
Isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang driver ng AUV.





Comments