top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sey mo, John Lloyd? Sarah, kering-kering gumawa ng movie kahit walang leading man

Vinia Vivar
Oct 7, 2019
2 min read

For the first time ay walang leading man si Sarah Geronimo sa kanyang bagong movie na Unforgettable at sa halip ay aso ang kanyang kasamang bida, ang Jack Russell Terrier na si Milo.

Pero walang problema kay Sarah kung wala siyang leading man dahil aniya ay liberating daw sa pakiramdam at para maiba naman na hindi nakadepende sa love team kundi sa ganda talaga ng story.

In fact, matagal na palang dream ni Sarah na makagawa ng isang full-length dog movie and finally ay natupad na ngayon.

Conceptualized and co-directed by the multi-awarded and internationally ac­claimed director, Jun Lana (Die Beautiful, Bwakaw) and award-winning filmmaker Perci Intalan (Bwakaw, Distance, Dementia), ginagampanan ni Sa­rah sa Unforgettable ang role na Jas­mine, a young woman on a journey to Baguio na ang goal ay dalhin ang asong si Happy sa kanyang lolang may sakit dahil naniniwala siyang magiging instrument ang alaga sa paggaling nito.

“It’s a different role. Very challenging for me,” Sarah said in an interview after winning the Best Actress award from the PMPC Star Awards for her role in Miss Granny.

Ang isa pang dapat abangan sa pelikula ay ang mga amazing tricks na ginawa ni Milo who also starred in Vice Ganda’s box office hit, Fantastica.

In fairness naman sa doggie co-star ni Sarah, sikat na rin ito, huh! Viral ang kan­yang mga videos sa internet at nakapag-guest na siya sa iba’t ibang TV shows showcasing his abilities.

Ilan sa mga nakakamanghang tricks ni Milo ay umarteng patay, mag-alis ng medyas ng kanyang master, magmasahe at magdasal bago kumain at marami pang iba.

Kaya naman hindi kataka-takang lagi raw nae-excite si Sarah (who is also a dog lover by nature) na pumunta sa shooting para makita si Milo.

Kasama rin sa movie sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial and Gina Pareño.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page