top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagso-solicit sa mga tindahan, bagong modus ng mga magnanakaw

  • Ryan B. Sison
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Pinag-iingat ngayon ang publiko, par­tikular ang mga establisimyento dahil sa mga kawatan na gumagala sa Maynila.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa da­lawang lalaking nagpapanggap na nagso-solicit, pero pagnanakaw pala ang pakay.

Istayl umano nito na maglibot sa mga tin­dahan at nagpapakilalang miyembro ng SK ng barangay para humingi ng tulong-pinan­siyal para sa pampagawa ng basketball jer­sey.

Kuwento ng biktima na tauhan ng poultry supplies shop, abala siya sa kostumer nang dumating ang dalawa, pero sinabihan niya na ang mga ito na bumalik na lang dahil wala pa ang kanyang boss, pero hindi niya alam na paglabas ng mga ito ay may bitbit ng wallet at cellphone mula sa tindahan.

Nang i-post ng biktima ang video ng pag­labas ng dalawa sa tindahan, may nag-comment kung saan makikita ang mga suspek kaya agad itong dinampot ng mga taga-barangay at dinala sa police station.

Bago pumasok sa poultry supplies shop, unang nagpunta ang dalawa sa printing shop na katabi ng tindahan, pero wala silang nakuha.

Nagsimula na namang kumilos ang mga ka­watan kaya kahit maliliit na tindahan ay hindi na pinatawad at biniktima pa! Hays!

Kaya paalala ng mga awtoridad, maging mapagmatyag sa paligid at kung may mapa­pansing kahina-hinala, ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad para maaksiyunan.

Malaking tulong din ang CCTV camera sa mga establisimyento para sa pagkakakilan­lan ng mga kawatan.

Nais din nating ipaalala sa lahat na hindi lang ganito ang paraan ng mga masasamang-loob dahil kahit ano ay gagawin ng mga ito para lang makapanloko.

Kaya panawagan sa mamamayan, huwag magpaloko dahil ‘ika nga, walang ma­loloko kung walang magpapaloko!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page