Kahit daw sikat pa… Hirit ng Pinoy produ abroad: Acting ni Kris, 'di papasa sa Hollywood movie
- Janice DS Navida
- Oct 7, 2019
- 2 min read

Nasa ‘Pinas ngayon ang Fil-American Hollywood producer na si Arsy Grindulo, Jr. para sa kanyang first venture sa filmmaking via the sci-fi-horror-suspense-thriller movie titled Ascencion.
Aminado ang first time producer na nangangapa pa sila kung paano ima-market sa ‘Pinas ang kanyang nai-produce na film (na 5 yrs. in the making, ha?) na pinagbibidahan ni Ana Mulvoy Ten na nakilala sa pagganap sa character ni Amber Millington sa British boarding school drama na House of Anubis.
Pero dahil hilig naman ng mga Pilipino ang horror movies, may mga nagpapalakas ng loob ni Mr. Arsy Grindulo na tiyak na tatangkilikin din ang Ascencion tulad ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga American and Thai horror movies.
Sabi pa ni Mr. Grindulo, kapag naging successful ang first venture niya, gusto rin niyang mag-produce ng Hollywood rom-com film na tatampukan ng mga Filipino actors kaya nagtanong siya sa press kung sino raw ba ang sa tingin namin ay okay na kunin para magbida sa gagawin niyang film.
Sa dami ng pagpipilian, dapat pag-aralan munang mabuti ni Mr. Grindulo ang kukunin niyang artista para ‘di siya magkamali at tiyak na kumita ang kanyang ipo-produce na Hollywood movie, ‘di ba?
Nabanggit nga sa kanya si Kris Aquino na naging part ng Crazy Rich Asians. Sabi namin, sikat naman si Kris, pero bakit parang hirap na hirap pa rin itong makapasok sa Hollywood?
Sagot sa amin ni Mr. Grindulo, hindi naman daw kasikatan ang basehan sa Hollywood kundi ang kakayahang umarte. Lahat daw ay dumadaan du’n sa audition at hindi palakasan kaya kung hindi papasa, waley!
Anyway, wala pang playdate ang Ascencion dahil hinihintay pa nila ang magiging rating dito ng MTRCB.
Ascension is directed by Ross Wachsman, a graduate of Yale University and USC School of Cinematic Arts and a recipient of the prestigious Annenberg Fellowship awards. The movie is co-executive produced by Max Borenstein, a creator, writer and producer of Steven Spielberg’s Minority Report series on Fox. He is also the writer of worldwide box office hit Godzilla, Kong: Skull Island and the 2019 blockbuster film Godzilla 2.





Comments