top of page
Pokwang.jpg

Dance instructor, bawal magturo 'pag walang health certificate

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Oct 7, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay mananayaw kaya ako ay namasukan bilang dance instructor. Tinanggap naman ako pero sinabi sa akin ng may-ari ng establisim­yento na aking pinasukan na kinakailangan ko raw munang kumuha ng health certificate. Tama ba ito? — Jena

Dear Jena,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Presidential Decree (P.D.) No. 856, o ang “The Code on Sanitation of the Philippines”. Nabanggit sa Chapter XI, Section 57 (a) ng nasabing batas na:

“CHAPTER XI

DANCING SCHOOLS, DANCE HALLS AND NIGHT CLUBS

Sec. 57. Special Provisions. The following provisions are applicable in cases herein specified:

(a) For dancing schools

No person shall be employed as a dancing instructor or instructress without first securing a health certificate from the local authority.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, malinaw sa nabanggit na batas na lahat ng magtatrabaho bilang dance instructor ay kinakailangang magkaroon muna ng health permit mula sa local health authority.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page