top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Albayalde, inunahan na si P-Digong, Todo-deny na isa sa 2 heneral na sangkot sa droga

  • Korina Sanchez
  • Oct 7, 2019
  • 2 min read

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde na nahaharap ngayon sa kontrobersiya ng “Ninja Cops” noong panahon niya bilang hepe ng PNP sa Pampanga, hindi siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa dalawang heneral na sangkot sa ilegal na droga. Matatandaang, nagpahayag si Pangulong Duterte habang nasa Russia na may dalawang heneral ang sangkot umano sa ilegal na droga.

Detalyadong naungkat ang mga kaganapan sa isinagawang buy-bust sa Pampanga noong 2013. Si Gen. Albayalde ang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Pampanga noong mga panahong ‘yun. Habang tumatagal, nagiging malinaw na hindi lang lumabag ang grupo ni Maj. Rodney Baloyo IV sa mga proseso ng operasyon kundi tila sila ang “Ninja Cops” na tinutukoy ni Baguio City Mayor at ex-CIDG Director Benjamin Magalong.

Nakakulong na si Baloyo sa Bilibid dahil sa contempt. Walang kredibilidad ang kanyang mga pahayag dahil pinabulaanan ng marami.

Ilang buwan na lamang bago mag­retiro si Gen. Albayalde, pero mag­ka­karoon pa ng imbestigasyon sa kanya hinggil sa nasabing operasyon.

Hindi malabong may kaugnayan si Gen. Albayalde sa kontrobersiya dahil tila nagpakita siya ng pag-aalala sa kanyang “mga tauhan”. Ito ang mga ipinahayag nina Magalong at PDEA Director General Aaron Aquino sa Senado.

Kaya naman para magkalinawan, hintayin na lang natin si Pangulong Duterte na pangalanan kung sino ang dalawang heneral na ‘yun.

◘◘◘

Hindi raw sagot ng gobyerno ang pamasahe at tinuluyan ng mga personalidad na sumama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia.

Pinutakti sa social media ang ilang celebrities at abogado na naki-join sa pangulo.

“Tunay at masugid na tagahanga” lang daw sila, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sila raw ang nagbayad sa sarili nilang pama­sahe at tinuluyan. Magkano naman kaya?

Hindi biro ang pamasahe at ganundin ang hotel accommodation kung ganu’n, siguradong malaki-laking halaga ang inilabas nila para lamang suportahan ang kanilang “idolo”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page