‘Pinas, bronze sa 2nd Leg ng ASEAN Grand Prix

Photo: Espn5
Muling nakamit ng Philippine National Volleyball team ang bronze medal, Linggo ng gabi sa pagtatapos ng 2nd leg ng ASEAN Grand Prix sa Sta. Rosa Multi-Purpose Gym sa Sta. Rosa Laguna.
Patuloy pa ring pinurga ng sandamakmak na errors ang Pinay Volleybelles na nagbigay ng tulong sa Indonesia para kunin ang silver medal finish sa 2-1 kartada, sa iskor na 25-21, 25-17, 22-25, 25-22 sa three-day volleyball event na nagsisilbi ring test event ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Naging consistent sa kanyang atake si Hangaestri Pertiwi Megawati na umiskor ng game high 26 points, habang sumegunda sina Nuari Purnama Arsela na may 17 points at Wulandari Ratri na may 12 points upang pangunahan nito ang Indonesia.
Naging madikit ang pagsisimula ng 2nd set matapos maitabla pa ng Pilipinas ang 8-8 iskor mula sa atake ni Alyssa Valdez, ngunit hindi magawang makalamang ng koponan dahil sa atake nina Megawati at Ratri na tuluyang lumayo dahil na rin sa sunod-sunod na reception errors at service aces ng Indonesia.
Kumamada ng sarili nilang 5-0 run mula sa 15-all ang Pinay Volleybelles sa pagtutulungan nina Frances Molina at Jiah Morado upang makalamang sa 20-15. Nakaligtas sa 3rd set victory ang Pilipinas ng mabuhayan ng atake si Valdez at Jovelyn Gonzaga habang ipinamalas ni Morado ang magandang set nito. Nagsilbi ring pambuhay sa Pinay volleybelles si Maddie Madayag sa kanyang 3 points sa 3rd set.
Nagkampeon ang Thailand habang nasa 4th place pa rin ang koponan ng Vietnam.





Comments