top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Union Bell lamang sa 1st Leg ng JFCSR

Ding Taboy
Oct 6, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang 2019 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race kasabay ng PHILRACOM Rating Based Handicapping Sys­tem Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Sa mga kalahok higit na pinapaboran ang Union Bell habang makakalaban ang Bulwagan, Batang Evalom, Exponential, Lucky Saving at Prime Time Magic.

May premyong P600,000 ang mananalong kabayo at may P225,000 ang panga­lawa at pagkakalooban ng P125,000 ang 3rd place at mag-uuwi ng P50,000 ang 4th place.

Samantala, may trophy rin ang may-ari ng kabayo at mag-uuwi P40,000 ang breeder ng mananalong ka­bayo.

Hahataw din ang PHIL­RACOM Rating Based Handicapping System Race (PRBHSR) na may pa­premyo mula sa komisyon.

Kasabay nito maga­ga­nap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa Race 1, mag-uuna­han na makara­ting sa finish line ang mga kalahok na Ava’s Tale, Sweet Dream at Speak Easy, habang sa Race 2 nakalalamang ang Expen­sive at may laban ang Blue Sapphire.

Sa Race 3, pinapaboran ang Union Bell at sa Race 4 nakalalamang ang couple entry na Fire Dancer at Ca­sino Royale habang sa Race 5 ay ipinapatok ang Hula Discovery.

Magkakaharap ang mga kalahok na Sydney Boy, Couple entry na Daldalero at Put Atigerinurtank, Jul­liana’s Gold at Band of Halo sa Race 6 habang nakala­lamang ang Musimusia­nonea­none at may laban ang Olympic Gold at Believable sa Race 7.

Sa Race 8, nakalala­mang ang Batang Bangkal at makakalaban ang Legion­naire habang patok ang couple entry na Nabighani at Go Abbey Go sa Race 9 at nakalalamang ang Prime Power sa Wessfacckol sa Race 10.

Ipinapatok ang National Pride sa Race 11 habang magkakalaban ang Wing in my Feet at The Believer sa Race 12.

Tips ni Mang Ding: Race 1-Ava’s Tale (3) Speak Easy (10) Race 2-Expen­sive (5) Blue Sapphire (4) Race 3- Union Bell (3) Ex­ponential (4) Race 4-entry no.4 Money in my Pocket (2) Race 5- Hula Disco­very (10) Race 6- Entry no.9 Band of Halo (7) Race 7- Musimusianoneanone (4) Olympic Gold (1) Race 8-Batang Bangkal (8) Legio­naire (2) Race 9- Entry no.3 Primadonna (8) Race 10- Prime Power(1) Wessfacc­kol (7) Race 11-National Pride (2) Forest Cover (3) Race 12-Wing in my Feet (3) The Believer(7).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page