top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sex education, hindi paghihiwalay ng klasrum ang sagot sa teenage pregnancy

  • Ryan B. Sison
  • Oct 6, 2019
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Hiwalay na classroom o section sa lalaki at babae.

Ito ang nais ng National Youth Com­mission (NYC) para sa mga estudyante mula Grade 7 hanggang 12.

Ayon kay NYC Chairperson Ryan Enriquez, ito umano ang dahilan ng pag­lobo ng insidente ng maagang pagbu­buntis at kaso ng tinatamaan ng HIV na nasa edad 15 hanggang 30.

Naniniwala si Enriquez na sa ganitong paraan, maituturo nang maayos ang sex education at HIV awareness.

At kung tatamaan umano ng curiosity ang mga mag-aaral ay maiiwasan ang tukso kung wala ang opposite sex.

Batay sa tala ng Commission on Po­pulation noong Hulyo, may 196,000 Pinoy na nasa edad 15 hanggang 19 ang na­bubuntis kada taon.

Gayundin, dumoble ang mga nagka­roon ng HIV na may edad 15 hanggang 24 kung saan mula 17% noong 2000 ay naging 29% noong 2009.

Noon pa man, malaking isyu na ang paglobo ng bilang ng teenage pregnancy, pero paghihiwalay ng klasrum sa paara­lan ba talaga ang makalulutas dito?

Maraming gender-exclusive schools pero bakit may mga mag-aaral pa ring nabubuntis?

Sa totoo lang, ang curiosity ng ka­bataan ay hindi nakokontrol ng kahit na sino kaya wa’ ‘wenta ang paghihiwalay ng klasrum ng babae at lalaki.

Gayundin, hindi ba mas maganda na habang bata pa ay maging komportable silang pag-usapan ang ganitong isyu, sinuman ang kaharap nila?

Para sa mga magulang, panahon na para buksan ang inyong isipan dahil ang solusyon sa hindi mapigilang kagustuhan ng mga teenager na makipagtalik ay ta­mang sex education.

Kaya ang panawagan sa mga kina­uukulan, magpokus sa pagtuturo ng sex education dahil ito ang kailangan at hindi paghihiwalay ng klasrum ng mga mag-aaral!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page