Pagiging sobrang sweet, hindi rin maganda... Mga dapat iwasan para hindi masakal ang partner at tuma

Para sa karamihan, healthy ang relasyon kapag palagi nilang kasama ang kanilang partner o kapag palagi silang magkausap. Pero alam n’yo ba na ang ilan sa pinaniniwalaan nating “sweet gestures” ay puwedeng makasira ng relasyon? Totoo kaya ‘yun? Hmmm…
Mga besh, sabay-sabay nating alamin kung anu-ano ang mga sweet gesture na maaaring maging “red flag” sa relasyon:
1. PAGIGING PROTECTIVE. Walang mali sa pagiging protective, mga lodi. Kapag mahal mo ang isang tao, mabuting iparamdam sa kanya na pinoprotektahan mo siya. Pero, ayon sa mga eksperto, ang magiging protective o pagharap sa mga problema na dapat harapin ng iyong partner nang mag-isa ay hindi nakabubuti sa lahat ng pagkakataon. Tandaan, ikaw ay partner niya at hindi magulang. Okay lang maging protective pero, dapat mo ring alamin kung ikaw ay nananatiling protective o possessive.
2. PAGIGING “THERAPIST”. Lahat tayo ay nakararanas ng stress at nangangailangan ng shoulder to lean on. Ayon kay Diana Venvkunaite, life and relationship coach, walang masama sa pagiging “therapist” ng iyong partner pero, sa isang pagkakamali mo, maaari itong mapasama. Paano? Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng opinyon at feelings sa bawat bagay kaya hindi mo maaaring ihalintulad ang emosyon mo sa emosyon niya. Tandaan, puwede ka pa ring maging support system sa pamamagitan ng pakikinig.
3. PEACE OFFERING. Lahat ng couple ay nag-aaway at normal ito sa relasyon at ang pagkakaiba ay kung paano sinosolusyunan ang problema. Sey ng experts, ang paggamit ng mga regalo bilang peace offering ay posibleng magresulta sa hindi magandang paraan ng pag-aayos ng problema at unsettled arguments na nakasisira ng relasyon. Ang mga regalo ay pansamantalang nakatutulong, lalo na kung ito ang love language ng iyong partner pero, hindi nito kayang pantayan ang sincere na paghingi ng pasensiya at ang ending, paulit-ulit n’yong pag-aawayan ang mga issue na hindi na-settle noon.
4. PAGBISITA NANG WALANG PASABI. Tulad ng mga napapanood natin sa mga pelikula, biglang bumibisita ang BF o GF sa bahay o workplace ng isa para kumustahin ang kanyang partner o para magdala ng pagkain. Sweet naman talaga ang ganu’ng move pero, hindi sa lahat ng oras ay nagwo-work ito. Para sa iba, ang pagbisita sa bahay o workplace nang walang paalam ay “no-no” dahil kahit maganda ang intensiyon ng kanilang partner, mararamdaman nilang nawawalan na sila ng privacy.
5. LAHAT AY TUNGKOL SA PARTNER. Sa umpisa ng relasyon, lahat ng oras ay gusto mong makasama ang iyong partner pero, kapag hindi mo na nakakasama ang iyong mga kaibigan at hindi nagagawa ang iyong hobbies, nagsisimula nang magkaroon ng problema. Ang ending, hindi mo lubusang makikilala ang sarili mo at ang mga bagay na gusto mong gawin. Gayundin, magiging dependent ka sa iyong partner pagdating sa paghahanap ng happiness.
Mga bro at sis, walang mali sa pagiging protective o kagustuhang makasama ang partner n’yo kung kailan n’yo gusto. Hindi porke nabanggit ay masama na talaga dahil ibig sabihin ay mahalaga na magkaroon ng boundaries at alamin ang mga bagay na medyo sumosobra na. Kapag naging conscious ka sa iyong ugali at kilos, siguradong magkakaroon ka ng healthy relationship sa iyong partner. Copy?





Comments