P1 bawas-presyo sa gas
- Gina Pleñago
- Oct 6, 2019
- 1 min read

Nagpatupad ng pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo ang kumpanya ng langis na pinangunahan ng Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel kahapon at ngayong araw.
Unang nag-abiso ang kumpanyang Phoenix Petroleum sa pagbaba ng presyo na P0.80 kada litro ng gasolina, P1.00 naman kada litro sa diesel na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Habang ang kumpanyang Cleanfuel ay nagbawas-presyo rin sa kanilang produkto na kahalintulad ng halaga ngayong araw.
Ang ipinatupad na bawas-presyo ay kaugnay sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.





Comments